Wednesday, December 22, 2004

~Life’s a prison when you’re in love alone~


Have you ever experienced this: Loving someone who already belongs to someone else or who loves somebody else.. masaklap ang ganong pangyayari dahil minamahal mo sya pero di nya magawang mahalin ka dahil may gusto syang iba.. haayy.. napakasakit tlaga.. Nandoon ka parin para sa kanya, nagpapanggap na ok lang ang lahat, ang mas masakit pa dito ay minamahal mo sya nang patago. Hindi mo sa kanya masabi na mahal mo sya dahil natatakot ka na malaman ang katotohanan na kahit kailan ay hindi nya matututunang mahalin ka. You feel alone, non-existent, down and blue. Palagi mong sinasabi sa iyong sarili na: "tama na," "ayoko na," pero hanggang dun ka lng, puro salita lng dahil alam mo rin sa iyong sarili na di mo sya kayang kalimutan. Sasabihin naman ng mga kaibigan mo: "ano ka ba, marami pang iba!" hmm, sabagay, totoo nga naman.. marami pa talagang iba dyan, marami pang mas gwapo, mas mabait, mas deserving sa love na ibinibigay mo sa kanya pero bakit ganon?!! bakit ayaw parin... bakit ganon kahirap turuan ang puso na "wag mo na syang mahalin, iba nalang." Ang hirap talaga! magulo sa isipan at masakit sa damdamin.. Isa lamang ang maipapayo ko sayo kaibigan, "kaya mo yan!" Try to concentrate more on your studies or help those who are less fortunate.. o diba.. you'll benefit a lot from that..ang mabuti pa doon ay nakakatulong kapa sa ibang tao..makakaya mo yan sapagkat nandayan SYA.. God is always here for us. Di NYA tayo pinapabayaan.. Always have a positive attitude! Remember that God is here to guide us and to make us stronger. Tapos bigla mo nalang marrealize na: "nakayanan ko rin pala!" tama, pagsubok lng un, matatapos din un..Pero syempre you should also learn from your experience.. para next time na maulit uli yun ay alam mo na ang iyong gagawin.. And syempre don't forget to thank HIM. Pray ka lang. Theres always a right person for you, dadating din yun kaya wag kang magalala.. Di mo rin kailangang magmadali.. Just go on with your life! Bata ka pa at marami pang dadarating sa iyong buhay, mas marami pang pagsubok na makakaharap.. Pare ko, lahat nang yun ay makakayanan mo basta magtiwala ka lang sa KANYA... di ka NYA papabayaan. *wink*

No comments: