Tuesday, December 21, 2004
Who will you choose, the one you love or the one who loves you?
So now you're in a state of confusion.. Who will you choose? Ang taong mahal mo na di ka manlang magawang mahalin dahil may mahal na syang iba o ang taong mahal ka? Pero teka lang.. bago ka gumawa ng decision, may mga katanungan paring bumabagabag sa isipan mo.. tulad nang: "mahal nya ba talaga ako?" hmm... maaring hindi ka nya ganoon kamahal dahil kakakilala nyo palang at ang mas nakakapagpagulo pa dito ay parang napikot ka lng nya dahil sya mismo ang nagsabi na kayo na!! (ang gulo naman!) Oo, magulo na kung magulo.. Kayo na pero sya lang ang nagsabi nito.. ikaw naman, di mo alam ang sasabihin.. naguguluhan ka ngunit di ka makatanggi.. pero alam mo sa iyong puso't damdamin na iniisip mo parin ang iyong minamahal habang pinipilit ka nung isa na maging kayo na.. (patay! e pano na yan.. kayo na ba?) nako iyon ang problema.. pano kung naguguluhan ka parin ngayon at narealize mo na: "sh*t ayoko.." anong sasabihin mo sa kanya?? kawawa naman sya.. (e sira-ulo pala un e.. sya naman nagpilit na maging kami e) haha.. kasalanan nya rin kasi.. pero may kasalanan ka rin.. bakit kasi wala kang sinabi? di ka pumayag pero di ka rin tumanggi.. hayy.. naisip mo na mabait naman sya e pero may mga ugali lang talaga sya na hindi mo pa naiintindihan dahil nga kakakilala nyo palang... (ang hirap naman nito.. sakit sa ulo!) At eto pa ang problema.. nung una mo syang nakita wala ka talagang attraction sa kanya.. hindi mutual ung naramdaman nyo.. napatanong ka nanaman: "hiondi kaya natuwa lang sya sayo? Dahil palagi nyang sinasabi na di ka tulad ng iba, na di ka daw maarte at marunong kang makisama.." Maaaring ganon nga lang pero di mo pa malalaman yun sa ngayon.. naguguluhan ka parin, ano na ba ang gagawin mo? papatagalin mo pa ba `to o tatapusin mo na? bibigyan mo ba nang chance ung taong may gusto sayo o hindi na? babalik ka parin ba sa taong mahal mo kahit na alam mong di nyang magagawang mahalin ka?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment